Miyerkules, Oktubre 5, 2016

Hi School Love On (Episode 1)

Image result for high school love on korean drama kiss

Draft
        Dito ipinakilala ang pamumuhay ng mga bida. Si Woohyun ay lumaki sa poder ng kanyang lola na may ari ng isng "Spicy Rice Cake shop". Si Sungyeol naman ay nakatira sa kanyang ama kasama ang kanyang "stepmother". At si Lee Sul-Bi naman ay isang anghel na tagapag sundo sa mga taong patay na at papuntang langit.

         Sa episode na ito pinakita ang buhay ni Woohyun sa kayang lumang paaralan. siya ay sikat dito at maraming babae ang humahanga sa kanya. Isa na dito si Jinyeong. Siya ay isa sa mga matalino sa klase. Ngunit ang kanyang grado ay bumaba dahil sa kakahilig kay Woohyun. Nalaman ito ng ina ni jinyeong pero mali ang kanyang nalaman. Ang akala niya ay syota/manliligaw ni Jinyeong si Woohyun at pineperahan lamang ito ng lalake.

           Kaya't nagsampa ng kaso ang ina ni Jinyeong sa Guidance Office na ikinahiya ni Jinyeong dahil nga hindi naman ito totoo. Kaya't siya ay magpapakamatay sana. Sa kagandahang loob ni Woohyun, tinulungan niya si Jinyeong upang hindi magpakamatay ngunit nang kanyang niligtas si Jinyeong, ay siya namang pagkahulog niya.

             Sa kabilang banda, nandoon si Seul-Bi dahil susunduin niya na dapat si Jinyeong na dapat ay mamamatay na. Ngunit ang librong may pangalan ng mamamatay ay nahulog kaya't ito'y pinuntahan niya. sakto namang mahuhulog na si Woohyun, ay siya namang pagsalo ni Seul-Bi. Sa kadahilanang ito, biglang naging tao si Seul-Bi.

Blog
        Ang barayting ginamit dito sa wika ay idyolek, sosyalek, Idyolek ito dahil ito'y madalas gawin ng mga pangunahing bida katulad ng senaryong susunduin ni SeulBi yung patay.

         Sa episode na ito, dito natin makikita kung paano magkakakilala ang mga bida. Dito rin kung paano nagulo ang buhay nila at kung paano napatalsik si woohyun ay siya palang dahilan upang maging tao si SeulBi at maging kaklase niya si Sungyeol na "stepmom" ang tunay na ina ni woohyun.

Diary ng Panget

Diary ng Panget

Image result for diary ng panget
Isinulat ni: HaveYouSeenThisGirl (Denny R)

Draft
          Ito ay tungkol sa ulila, mahirap na masasabing panget dahil sa kanyang mga tigyawat at sabog na buhok na si Rheya "Eya" Rodriguez na kung saan siya ay madalas magsulat sa kanyang diary ng mga kaganapan sa kanyang buhay. Siya ay nagtatrabaho sa kanyang tita upang siya ay may pang tustos sa kanyang pag-aaral. Si Eya nga pala ay nag aaral sa sikat na paaralan ng "Wilford Academy", na kung saan makikilala niya ang mga pangunahing magiging kaibigan na sina Lory, Chad at Cross. Si Cross Sandford ay magiging amo niya dahil kailangan niya ng mas malaking pera. Siya ay naging alalay nito o utos-utosan ni Cross.

           Sa pagtakbo ng kwento, magiging pasakit kay Eya ang kanyang pagsisilbi kay cross, ngunit sa huli, hindi nila naiwasang mahulog ang damdamin sa isa't isa.

Blog
         Ang kwentong ito ay naghihikayat o nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan na wag sumuko sa buhay.
     
         Ang mga antas ng wika na ginamit dito ay formal, di-formal, kolokyal at pambansa. Gumagamit naman ang manunulat ng formal tuwing kinakausap ni Eya ang mga taong mas nakakatanda sa kanya, di-formal naman kapag kasing edad niya lamang ang kaniyang kausap. halimbawa na dito ay kapag nakakausap niya sila Cross, Lory, Chad etc...

          Ang mga barayti ng wika naman na ginamit ay dayalek, na kung saan tagalog-cavite ang madalas na lenggwahe na isinlat ng manunulat dito sa librong ito.

Train to Busan

Image result for train to busan

Draft
    Ito ay isang pelikula galing sa bansang Korea, na kung saan ito ay tungkol sa "Zombie Apocalypse" na kung saan ay pinag- eksperimentohan ng siyensya ang isang halaman na nakain ng usa. Ngunit nabunggo ito ng sasakyan. Pero makalipas ang ilang segundo, Ito ay nabuhay muli.

   Sa kabilang banda, ang storya ay umiikot sa mag ama, mag asawa, mga kabataan, at isang taong makasarili. Sila ay nagka sama sama sa iisang tren. sa pagtakbo ng kwento, pinakita dito ang kani-kanilang sariling kwento at mga ugali nito. Hinarap nilang lahat ang mga zombie upang makapunta sa huling istasyon ng tren na kung saan ito ay sa Busan. 
   
      Sa huli, ang natira at naligtas lamang ay ang isang buntis at isang bata.

Blog
      Formal pambansa, edukado, at kolokyal ang ginamit na antas ng wika. Formal na pambansa ang ginamit dahil ang palabas na ito ay galing sa South Korea kaya't ibang lenggwahe  ang ginamit. Edukado at kolokyal naman, dahil ang mga pangunahing tauhan dito ay mag aaral na bata at mga trabahador ng gobyerno.

      Ang mga barayti naman ng wika na ginamit ay sosyalek. Sapagkat ang mga tauhan ay gumagamit ng wka na  kung saan  umaayon sa panahon.

       Ang pelikulang ito ay may halong thrill na may halong drama. Ito'y magandang panoorin ng pamilya. sapagkat hindi ito gaanong nakakatakot at nagbibigay ito ng mensahe para sa mga kabataan, pamilya, magulang at iba pang aspeto ng mga tao. Para sa akin, ang mensahe ng palabas na ito ay Huwag natin sayangin ang mga oras na kasama pa natin ang ating pamilya. wag natin hayaang masayang ang mga panahon.