Diary ng Panget

Isinulat ni: HaveYouSeenThisGirl (Denny R)
Draft
Ito ay tungkol sa ulila, mahirap na masasabing panget dahil sa kanyang mga tigyawat at sabog na buhok na si Rheya "Eya" Rodriguez na kung saan siya ay madalas magsulat sa kanyang diary ng mga kaganapan sa kanyang buhay. Siya ay nagtatrabaho sa kanyang tita upang siya ay may pang tustos sa kanyang pag-aaral. Si Eya nga pala ay nag aaral sa sikat na paaralan ng "Wilford Academy", na kung saan makikilala niya ang mga pangunahing magiging kaibigan na sina Lory, Chad at Cross. Si Cross Sandford ay magiging amo niya dahil kailangan niya ng mas malaking pera. Siya ay naging alalay nito o utos-utosan ni Cross.
Sa pagtakbo ng kwento, magiging pasakit kay Eya ang kanyang pagsisilbi kay cross, ngunit sa huli, hindi nila naiwasang mahulog ang damdamin sa isa't isa.
Blog
Ang kwentong ito ay naghihikayat o nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan na wag sumuko sa buhay.
Ang mga antas ng wika na ginamit dito ay formal, di-formal, kolokyal at pambansa. Gumagamit naman ang manunulat ng formal tuwing kinakausap ni Eya ang mga taong mas nakakatanda sa kanya, di-formal naman kapag kasing edad niya lamang ang kaniyang kausap. halimbawa na dito ay kapag nakakausap niya sila Cross, Lory, Chad etc...
Ang mga barayti ng wika naman na ginamit ay dayalek, na kung saan tagalog-cavite ang madalas na lenggwahe na isinlat ng manunulat dito sa librong ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento