Hi School Love On (Episode 1)

Draft
Dito ipinakilala ang pamumuhay ng mga bida. Si Woohyun ay lumaki sa poder ng kanyang lola na may ari ng isng "Spicy Rice Cake shop". Si Sungyeol naman ay nakatira sa kanyang ama kasama ang kanyang "stepmother". At si Lee Sul-Bi naman ay isang anghel na tagapag sundo sa mga taong patay na at papuntang langit.
Sa episode na ito pinakita ang buhay ni Woohyun sa kayang lumang paaralan. siya ay sikat dito at maraming babae ang humahanga sa kanya. Isa na dito si Jinyeong. Siya ay isa sa mga matalino sa klase. Ngunit ang kanyang grado ay bumaba dahil sa kakahilig kay Woohyun. Nalaman ito ng ina ni jinyeong pero mali ang kanyang nalaman. Ang akala niya ay syota/manliligaw ni Jinyeong si Woohyun at pineperahan lamang ito ng lalake.
Kaya't nagsampa ng kaso ang ina ni Jinyeong sa Guidance Office na ikinahiya ni Jinyeong dahil nga hindi naman ito totoo. Kaya't siya ay magpapakamatay sana. Sa kagandahang loob ni Woohyun, tinulungan niya si Jinyeong upang hindi magpakamatay ngunit nang kanyang niligtas si Jinyeong, ay siya namang pagkahulog niya.
Sa kabilang banda, nandoon si Seul-Bi dahil susunduin niya na dapat si Jinyeong na dapat ay mamamatay na. Ngunit ang librong may pangalan ng mamamatay ay nahulog kaya't ito'y pinuntahan niya. sakto namang mahuhulog na si Woohyun, ay siya namang pagsalo ni Seul-Bi. Sa kadahilanang ito, biglang naging tao si Seul-Bi.
Blog
Ang barayting ginamit dito sa wika ay idyolek, sosyalek, Idyolek ito dahil ito'y madalas gawin ng mga pangunahing bida katulad ng senaryong susunduin ni SeulBi yung patay.
Sa episode na ito, dito natin makikita kung paano magkakakilala ang mga bida. Dito rin kung paano nagulo ang buhay nila at kung paano napatalsik si woohyun ay siya palang dahilan upang maging tao si SeulBi at maging kaklase niya si Sungyeol na "stepmom" ang tunay na ina ni woohyun.